61K MT NG BASURA ITINATAPON ARAW ARAW

TINATAYANG  61,000 metrikong tonelada ng basura ang itinatapon sa Pilipinas kada araw.

Ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, 24 porsyento sa mga basurang ito ay mga plastic.

Nasa 160 milyong plastic packets ang nagagamit kada araw, mahigit 40 milyong shopping bags at thin film bags.

Sinabi ng kalihim na upcycle na ang ginagamit ngayon ng DENR at hindi na recycle. Ito ay mas makabagong proseso sa mga plastic waste.

Batay sa pag-aaral ng World Bank, 70 porsyento na material value ang nalilikha mula sa plastic waste at nasa $790 hanggang $890 milyong ang kita sa plastic waste kada taon.

Sinisikap aniya nila na hindi makarating sa karagatan at coastal areas ang mga plastic upang hindi manganib ang mga lamang dagat. NENET VILLAFANIA