HUMIGIT kulang sa 625 city ordinance violators ang nahuli ng Caloocan City Police sa unang araw nang pagpapatupad muli ng 10pm-4am curfew hours sa lungsod.
Bukod sa paglabag sa curfew, may mga nahuli rin dahil umiinom sa mga pampublikong lugar at ang iba ay walang suot na face mask habang nasa labas ng tahanan.
Ang mga nahuling lumabag ay dinala sa mga barangay covered court na malapit sa mga Police Sub-Station, kung saan sila inisyuhan ng violation ticket.
Binigyan din ng face mask ang mga nahuling walang suot nito.
Bago pinauwi ay muli rin silang pinaalalahanan at hinikayat na sumunod sa mga umiiral na ordinansa bilang bahagi ng patuloy na laban sa pandemya.
Ayon kay Caloocan Police chief Col. Samuel Mina, mahigpit na ipatutupad ng ating mga kapulisan ang mga ordinansa base na rin sa direktiba ni Mayor Oca Malapitan.
“Patuloy po tayong nakikiusap sa mga mamamayan ng Caloocan. Magiging mahigpit po ang ating pagbabantay, hinihingi po namin ang inyong pagsunod. Kung hindi po tayo nagtatrabaho ay manatili na po tayo sa ating mga tahanan sa oras ng curfew,” pahayag ni Col. Mina. EVELYN GARCIA/VICK TANES
332851 189578There is numerous separate years Los angeles Weight reduction eating program with each a person can be a necessity. The pioneer part can be your original finding rid of belonging to the extra pounds. la weight loss 122588
921456 367585Of course like your site but you require to check the spelling on several of your posts. Several of them are rife with spelling difficulties and I discover it really bothersome to tell the truth nevertheless Ill certainly come back once more. 591121