PH PADDLERS TODO ENSAYO PARA SA ASIAD

PANSAMANTALANG iiwan ng mga paddler ang kanilang training ground sa Taytay, Rizal at lilipat sa Paoay, Ilocos Norte para sa isang buwang pag-eensayo bilang paghahanda sa Asian Games na aarangkada sa Agosto sa Indonesia.

“Our paddlers will train for one month to sharpen their skills in preparation for the Asian Games where they are ranged against best paddlers in Asia,” sabi ni dragon boat coach Len Escollante.

Ani Escollante,  pinili nila ang Paoay sa one-month training dahil perfect ang water para sa dragon boat.

“Paoay is an ideal training venue because the condition of water is perfect for dragon boat,” aniya.

Limang ginto ang nakataya sa dragon boat sa quadrennial meet at umaasa ang dating national volleyball player na muling mag-uuwi ng karangalan ang kanyang mga atleta upang mapanatili ang pagiging ‘certified international achiever’ sa mga tagumpay na nakopo nila sa Russia, Georgia, Atlanta, Canada, Chinese Taipei, Malaysia, Thailand, at Palawan.

Magugunitang nagwagi ang mga Pinoy ng pilak sa World Dragon Boat na ginanap sa Atlanta.

Ang dragon boat ay kasama sa mahigit 40 sports na lalaruin sa Asian Games kung saan muling mapapalaban ang mga Pinoy sa mga bigatin sa Asia, kasama ang China.

Ang pagsasanay ng mga paddler ay sinuportahan ng Philippine Sports Commission, sa pa-mumuno ni Chairman William Ramirez.              CLYDE MARIANO

Comments are closed.