63 UNDOCUMENTED OFWs MULA KUWAIT NAKABALIK NA NG PH

Kuwait

NASA bansa na ang 63 undocumented overseas Filipino workers (OFWs) na nakaranas ng pang-aabuso sa bansang Kuwait.

Ang nasabing mga OFW ang mga natulu­ngan ng Department of Foreign Affaris (DFA) at Department of Labor and Employment (DFA) sa pamamagitan ng Embassy Assisted Repatriation Program (EARP) at sa pakikipagtulungan na rin sa Kuwait government.

Nabatid na sinagot ng DFA ang mga plane ticket ng mga nakauwing OFW.

Gayundin, bibigyan ng tulong ang mga nakabalik na OFW sa pamamagitan ng balik-mang­gagawa program ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA).

Comments are closed.