$637-M FOREIGN DIRECT INVESTMENTS

FDI

NAKAPAGTALA ang Filipinas ng $637 million net inflow ng foreign direct investments (FDI) noong Agosto, na mas mataas ng 46.9 percent kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ayon Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito na ang ika-4 sunod na buwan na tumaas ang FDI. Ang FDI ay kinabibilangan ng investment ng non-resident direct investors na may equity capital na kahit 10 percent sa isang resident enterprise, at investments ng non-resident subsidiaries o associates sa isang resident direct investor.

Ang FDIs ay maaaring sa pamamagitan ng equity capital, reinvestment of earnings, at  borrowings.

“Owing to investors’ renewed confidence as the National Government’s fiscal stimulus and BSP’s accommodative monetary policy stance to mitigate the impact of COVID-19 pandemic gained traction along with the easing of quarantine measures in the country,” pahayag ng central bank.

Tumaas ang FDI net inflows noong Agosto sa likod ng pagsirit ng net investments sa debt instruments ng  72.2 percent sa $459 million, at ng paglago ng net equity capital investments ng  32.9 percent sa $107.

Ang net investments sa debt instruments ay kinabibilangan ng intercompany borrowing o lending sa pagitan ng foreign direct investors at ng kanilang subsidiaries o affiliates sa Filipinas.

Karamihan sa equity capital placements sa naturang buwan ay nagmula sa Japan, United States, at British Virgin Islands,

Subalit kung pagsasama-samahin, ang FDI net inflows ay mas mababa pa rin ng  5.6 percent sa $4.4 billion noong Enero hang-gang Agosto kumpara sa $4.7 billion net inflows sa kahalintulad na panahon, ayon sa BSP.

Comments are closed.