RIZAL – BILANG paggunita sa National Day of Charity, nagsagawa ng makabuluhang outreach ang Philippine Charity Sweepstakes Office at Nineteen Aces Gaming and Amusement Corp. (STL – AAC Rizal Province) sa pangunguna ni PCSO Rizal Branch head Ms. Cynthia Regudo at (STL-Rizal) Ms. Evna Rocafort-Gomez sa Anawim Lay Missions Foundation sa Rodriguez sa lalawigang ito.
Sa pamamagitan ng isang simpleng pagtitipon, nasa 64 na elderly ang nabigyan tulong, napasaya at nagbahagi ng mga pagkain at mahahalagang suplay sa mga matatandang residente na nagdadala ng init at suporta sa mga nangangailangan.
Ang aktibidad na ito ay sumasalamin sa pangako sa pagpapaunlad ng pakikiramay at pagkakaisa sa loob ng komunidad.
Ginawa ang Outreach program sa Anawim Lay Missions Foundation Incorporated Brgy. San Isidro, Sitio Tanag, Rodriguez, Rizal
Ang Anawim ay isang pasilidad na nakatuon sa pagbibigay ng pangangalaga sa mga mahihirap at inabandonang mga matatanda na naiwan nang walang suporta sa pamilya at isang lugar na matatawag na “tahanan”.
Ipinagpatuloy ang Outreach program ng PCSO Rizal at Nineteen Aces Gaming and Amusement Corp sa Marick Elementary School sa Cainta kung saan 100 mag aaral ang pinakain ng mainit na Champorado merong kasama kagamitan sa pag-aaral nila.
ELMA MORALES