64 PANG DISTRESSED OFWs MULA KUWAIT NAKAUWI NA

ofw

DUMATING na sa bansa ang ikatlong batch ng distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Kuwait, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Lulan ng flight GF154, sinalubong ng OWWA Airport Team sa pangunguna nina OWWA Deputy Administrator Atty. Honey Quiño at RAD Director Louie Reyes ang 64 OFWs galing Kuwait, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Unang dumating ang 40 repatriated OFWs noong Enero 17 kasama si DMW Undersecretary Hans Leo J. Cacdac.

Sinundan ito ng pagdating ng 102 pang OFWs mula sa naturang bansa, kasama si OWWA Admin Arnell Ignacio nitong Enero 20.

LIZA SORIANO