(64 pasyente may second life, 152 bagong kaso) GUMALING SA COVID-19 NADAGDAGAN PA

Maria Rosario Vergeire

MAYNILA- NADAGDAGAN pa ang gumaling sa coronavirus disease (COVID-19) batay sa case bulletin ng Department of Health (DOH) number 22.

Ayon kay Health Usec. at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, pitong pasyente ng naturang sakit ang gumaling kaya sumampa na sa 64 ang itinuring na nagkaroon ng second life.

Nadagdagan naman ng 152 ang bagong kaso ng coronavirus bunsod naman ng nadagdagan ang bilang testing kit.

Sa record, sumampa na sa 3,426 katao ang kumpirmadong dinapuan ng nakamamatay na virus.

Habang walo pa ang hindi pinalad o nasawi sa sakit kaya nasa 164 na ang kabuuang bilang ng mga pumanaw na pasyente.

Samantala, dahil arangkada na ang testing sa mga person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM) asahan na madaragdagan pa ang nasabing bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus.

Gayunman, pinawi ni Vergeire ang pangamba, dahil ang nasabing bilang ay may positibong epekto gaya ng maaring silang ihiwalay kaagad sa iba para hindi magkahawa-hawa.

Dahil sa maraming quarantine facilities ay mabibigyan din ng tamang medical attention ang mga apektado at mapapagaling ang mga ito.

Samantala, masayang-masaya ang pasyenteng 73-anyos na lola na si alyas Mrs. Myrna nang makalabas ito sa Notre Dame Hospital.

Aniya, handa siyang ibahagi ang karanasan upang makatulong sa iba pang pasyente para gumaling. EUNICE C.