INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na ngayon sa 2,708 ang kabuuang bilang ng mga Delta variant cases sa bansa matapos na makapagtala pa ng 640 karagdagang kaso nito nitong Lunes, Setyembre 13, 2021.
Batay sa ulat ng DOH, nabatid na sa karagdagang 640 Delta variant cases, 584 ang local cases, 52 ang Returning Overseas Filipinos (ROF), habang ang apat pang kaso ay biniberipika pa kung lokal o ROF cases.
Sa 584 local cases, nabatid na 112 ang may tirahan sa National Capital Region (NCR), 52 sa Cagayan Valley, at 49 sa Calabarzon.
Mayroon ding dalawang Delta cases na may address sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Base sa case line list, tatlo pa sa mga ito ang nananatiling aktibo at maaaring makahawa, 13 ang namatay, habang 624 kaso naman ang nakarekober na.
“Case details are being validated by the regional and local health offices,” anang DOH.
Anang DOH, ang naturang pinakahuling bilang ay mula sa 748 samples na naisailalim sa whole genome sequencing ng University of the Philippines – Philippine Genome Center and the University of the Philippines – National Institutes of Health.
Samantala, bukod naman sa Delta cases, may natukoy ring karagdagang 28 Beta variant cases, 24 Alpha variant cases, at limang P.3 variant cases.
Sa karagdagang 24 Alpha variant cases, sinabi ng DOH na 23 ang lokal na kaso at isa ang ROF.
Base sa case line list, isa sa mga ito ang namatay na habang nakarekober na ang 23 iba pa.
“The total Alpha variant cases are now 2,448,” anang DOH.
Ayon sa DOH, ang karagdagan namang 28 Beta variant cases ay pawang local cases at nakarekober na.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 2,725 na total Beta variant cases sa bansa.
Idinagdag pa ng DOH na ang limang karagdagan namang P.3 variant cases ay pawang local cases din at nakarekober na sa karamdaman.
Samantala, inianunsiyo naman ng UP-PGC na simula noong Setyembre 9, ay nagbawas na sila ng kanilang COVID-19 RT-PCR testing services at inilipat na ang kanilang resources sa detection ng COVID-19 variants sa pamamagitan ng whole genome sequencing.
“The shift will lead to an expected increase in the sequencing capacity and detection of COVID-19 variant cases in the country in the succeeding months,” anang DOH. Ana Rosario Hernandez
509710 147981I enjoy your work , regards for all of the informative posts . 802396
721242 595125Nice post. I be taught one thing far more challenging on entirely different blogs everyday. It will all of the time be stimulating to learn content material from other writers and apply slightly one thing from their store. Id desire to use some with the content material on my weblog whether you dont mind. Natually Ill give you a hyperlink on your net blog. Thanks for sharing. 566773