INAASAHANG magsisilbi sa darating na halalan sa Mayo 9 ang nasa higit 640,000 tauhan ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Election Task Force (ETF) Head Atty. Marcelo Bragado Jr., aabot sa 647, 812 DepEd personnel ang tatayong poll workers.
Sa nasabing bilang, 319,317 ang magiging Electoral Boards (EB) at 200,627 ang gagawing EB support staff.
Maliban dito, 38,989 ang magsisilbing DepEd Supervisor Official (DESO) kasama ang 87,162 na support staff habang 1,717 ang bilang DepEd members of the Board of Canvassers.
Kasabay nito, siniguro nahensyaiya ang pagtugon sa kakailanganing tulong sa mga field office at mga eskuwelahan sa darating na halalan.