64th BRANCH NG PCSO BINUKSAN SA ARMM

PCSO

MAGUINDANAO –BINUKSAN ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang ika-64 na sangay sa Puluan District Hospital.

Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan, ito ang una nilang sangay sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“This is the first PCSO branch opened at the ARMM in line with our mission to bring our services closer to the public and to be present in every pro­vince. That’s why our target is to put up one PCSO branch every province,”  ayon kay Balutan na nanguna sa opening ­ceremony.

Sa pagdating ni Balutan sa lugar ay kaniyang naaala ang kaniyng karanasan bilang sundalo kung saan 20 taon siyang nanatili sa Mindanao.

Ayon pa sa dating Marine general, alok niya ang pangangaila­ngan ng mga nanini­rahan sa nasabing conflict-affected area  ng  Mindanao gaya ng pangangailangan sa infrastructures at education kaya naisasantabi ang kalusugan.

Kaya naman inilapit nila ang PCSO.

“They need basic health services and immediate medical support from the government. They need to feel the government’s presence through PCSO,” dagdag ni Balutan.

Sinabi naman ni Assistant General Manager for Branch Operations Sector Remeliza Gabuyo na naging madali. Ang pagbubukas ng sangay sa lugar dahil naging cooperative ang mga local government unit officials.

“Madali namang nag-open ang PCSO branch dahil very cooperative naman si [Maguindanao] Governor Esmael Ma­ngudadatu. They even provided for a free space to house our Maguindanao branch kasi ang magbi-benefit naman are constituents of Maguindanao,” ayon kay Gabuyo.

Inaasahan naman na madaragdagan ang lotto outlet sa lugar.  EUNICE C.

Comments are closed.