65% COVID-19 PATIENTS HINDI BAKUNADO

INIHAYAG ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa na 65 porsiyento ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay mga indibidwal na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakatatanggap ng kahit anumang bakuna.

Ito ay napag-alaman kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na nagsabing sa kasalukuyang 1,756 na indibidwal na may aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay 1,140 sa mga ito ang mga hindi pa bakunado o katumbas ng 65 porsiyento.

Ang natitirang 35 porsiyento na may aktibong kaso ng COVID-19, 19 porsiyento (333) ay mga fully vaccinated na; 9 na porsiyento (160) ang mga naturukan na ng unang dose ng bakuna habang ang nalalabing 7 porsiyento ay 123 pasyente na mga menor de edad na hindi pa binibiyan ng pahintulot na mabakunahan.

Ang mga naitalang 1,756 na indibidwal na may aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ay mga asymptomatic at may mga mild na simptomas lamang at walang naitalang pasyente na may moderate at severe na sintomas.

Sa 1,140 pasyente na hindi bakunado ay 934 indibidwal o 82 porsiyento sa mga ito ay mga asymptomatic habang 206 na pasyente ng COVID-19 ay mga nakararamdam lamang ng mild na sintomas COVID-19.

Sa mga 333 indibidwal na nakatanggap na ng kumpletong bakuna ay 258 indibidwal o 77 porsiyento ay mga asymptomatic at 75 indibidwal naman o 23 porsiyento ang nakaramdam ng mild na sintomas ng COVID-19 samantalang ang lahat ng 123 menor de edad na nagpositibo sa virus ay mga walang naramdaman o mga asymptomatic.

Ang 160 indibidwal na nakatanggap pa lamang ng unang dose ng bakuna ay 123 sa mga ito ang asymptomatic o katumbas ng 77 porsiyento habang 23 porsiyento naman o katumbas ng 37 indibidwal ang nakaramdam ng mild na sintomas.

Base sa report ng City Health Office (CHO), ang Barangay Putatan ang nakapagtala ng may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod na mayroong 458 kaso (26%); Pumangalawa ang Barangay Poblacion na may 350 kaso (20%); Barangay Tunasan ang pumangatlo na may 288 kaso (16.4%) at sinundan naman ito ng Barangay Alabang na pumang-apat na mayroong 203 kaso (11.56%).

Kabilang din sa listahan ang Barangay Cupang na nakakuha ng ika-limang puwesto na may 140 kaso (7.9%); at dikit na sinundan ng Barangay Sucat na nasa ika-anim na pwesto na may 132 kaso (7.5 %); nasa ikapitong pwesto naman ang Barangay Bayanan na may 94 kaso (5.35%); habang ang Barangay Ayala-Alabang na may 74 kaso (4.2%) at Barangay Buli na mayroon naming 17 kaso (0.96%) ang nasa ika-walo at ika-siyam na puwesto, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Kaya’t panawagan sa mga residente ng lungsod na magparehistro at agad na magpabakuna upang mabigyan ng proteksyon hindi lang ang kanilang mga sarili kundi pati na rin ang kanilang mga pamilya laban sa COVID-19. MARIVIC FERNANDEZ

85 thoughts on “65% COVID-19 PATIENTS HINDI BAKUNADO”

  1. 211631 608706Wow! This could be 1 certain of the most helpful blogs Weve ever arrive across on this subject. Truly Wonderful. Im also an expert in this topic therefore I can recognize your hard work. 37660

  2. 254249 512634Youre so cool! I dont suppose Ive read anything in this way before. So nice to uncover somebody with some original concepts on this topic. realy appreciate starting this up. this superb website is something that is required over the internet, a person if we do originality. valuable work for bringing something new towards the web! 584694

  3. 732912 91456Sounds like some thing lots of baby boomers ought to study. The feelings of neglect are there in several levels when a single is over the hill. 271537

Comments are closed.