KIDAPAWAN CITY- Umabot sa 651 alagang baboy na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang kinatay sa apat na barangay sa Kidapawan City, Cotabato.
Ayon kay City Veterinarian Dr. Eugene Gornez, naapektuhan na ang 124 hog raisers mula sa mga Barangay Gayola, Linang-kob, Sikitan at Muaan kung saan aabot na sa P3 milyon ang danyos na isinailalim sa culling activity.
Sinisilip ng city veterinarian na posibleng dahilan ng pagkalat ng ASF ang mga baboy na itinakas bago ang depopulation.
Panawagan ng city veterinarian sa lahat ng hog owners sa nasabing lungsod ang agarang pag-report kapag nakitaan ng sintomas ng ASF ang kanilang mga alagang baboy.
Samantala, pinahihintulutan namang makapasok sa nasabing lungsod ang mga buhay na baboy mula sa mga lugar na wala pang kaso ng ASF.
Tiniyak ding ligtas at isinailalim sa inspection at monitoring ang ibenebentang lechon sa Kidapawan City. MHAR BASCO
Comments are closed.