UMABOT na sa mahigit 66.2 milyon ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH), 71.4 million na katao na ang nabakunahan na ng first dose.
66.2 million sa kanila ang fully-vaccinated kontra COVID-19.
Pero ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hanggang Abril 4 ay mahigit 12.2 milyon pa lamang ang nakatanggap ng booster.
Apela ni Vergeire sa mahigit 46.9 milyon pang eligible na mamamayan na magpaturok na ng booster doses ng COVID-19.
Ani Vergeire, sa mga bansa na may mataas na rate ng booster vaccination ay mas mababa ang bilang ng COVID-19 deaths sa kabila ng pagkakaroon muli ng surge ng sakit. LIZA SORIANO