UMAKYAT na sa 115, 980 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitala sa bansa.
Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), nabatid na hanggang alas-4:00 ng hapon ng Agosto 5 ay nakapagtala pa sila ng panibagong 3,462 virus infection.
Karamihan ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 2,434 new cases.
Sinundan naman ito ng Laguna na may 105 new cases, Rizal na may 101 new cases, Cavite na may 73 new cases, at Cebu na may 62 new cases.
Samantala, 222 pasyente rin ang naiulat na bagong gumaling mula sa sakit kaya’t aabot na ngayon sa 66,270 ang total COVID-19 recoveries sa Filipinas.
Nasa siyam na katao pa rin naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa siyam na nasawi, walo ay binawian ng buhay noong Hulyo at isa naman noong Hunyo.
Sa ngayon, umak-yat na sa 2,123 ang total COVID-19 death toll sa bansa. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.