66 BRGYs SA PASAY IDINEKLARANG DRUG-FREE NG PDEA

NASA 66 mula sa 201 barangay sa Pasay City ang idineklarang drugs-free ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang natitirang 135 na barangay sa lungsod ay napapabilang naman sa tatlong klasipikasyon kung saan ang 22 dito ay slightly affected, 85 ang mga barangay na moderately affected habang ang 28 barangay naman ay mga seriously affected.

Base sa record ng Setyembre 20, may kabuuang 209 indibidwal ang nagpa-enrol para sa treatment at rehabilitasyontion sa unang quarter, 275 sa ikalawang quarter at 153 naman para sa ikatlong quarter.

Samantala, nagwagi naman ang lungsod ng ikatlong puwesto sa 2021 search for the best video presentation kaugnay sa best practice ng local na pamahalaan sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Sa pagkakapanalo ng lungsod ay napagkalooban ito ng plaque of recognition at cash na nagkakahalaga ng P20,000 dahil sa pagkakakuha ng ikatlong puwesto sa search ng best video presentation.
MARIVIC FERNANDEZ

150 thoughts on “66 BRGYs SA PASAY IDINEKLARANG DRUG-FREE NG PDEA”

Comments are closed.