66 COPS NA CLOSE CONTACT NI SINAS LIGTAS SA COVID-19

ORIENTAL MINDORO- PAWANG ligtas at negatibo sa COVID-19 test ang 66 mga pulis kabilang ang kanilang regional director na si PBGen. Pascual Munoz ng Police Region Office-4B o MIMAROPA na naging close contact ni quarantined PNP Chief, Gen. Debold Sinas nang mag-command visit noong Marso 11.

Agad ipinadala ni Munoz sa national headquarters sa Camp Crame ang resulta ng RT-PCR test upang tiyaking walang nahawa sa nagpositibo sa COVID-19 na si Gen. Sinas.

“The results of RT-PCR test conducted have been released and all are NEGATIVE,” bahagi ng padalang mensahe ni Munoz sa Camp Crame.

Magugunitang sa nasabing petsa ay bumisita si Sinas sa PRO-4B sa Camp Efigenio C. Navarro, Calapan City, Occidental Mindoro at nanguna sa ilan sa mga aktibidad doon gaya ng tree planting at unveiling subalit biglang inihinto nang makatanggap ng text message na positibo ito sa COVID-19.

Magugunitang banatikos si Sinas dahil hindi umano dumaan sa health protocols na pinabulaanan naman ng mga police official.

Sa katunayan ay maingat si Sinas maging ang kaniyang mga kasama dahil nagpa-swab aniya ang mga ito bago magtungo sa ibang lugar. EUNICE CELARIO

12 thoughts on “66 COPS NA CLOSE CONTACT NI SINAS LIGTAS SA COVID-19”

Comments are closed.