66 MIYEMBRO NG PNPA MARAGTAS 2018 ISASABAK SA MALA-SAF NA TRAINING

CAMP CRAME – AARANGKADA  na ang bagong patakaran ng  Philippine National Police  Academy (PNPA)  na isabak sa mala-Special Action Force Training ang lahat ng kanilang mga recruit.

Unang isasabak ang 66 na miyembro ng PNPA Maragtas Class of 2018 na kahapon ay isinagawa na ang badge of honor cere­mony  sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, ang mala-SAF training na ito ay tinatawag nilang Basic Internal and Security opera-tions course na magtatagal ng anim na buwan.

Sinabi naman ni PNP-Human Resources Development deputy director Chief Supt. Reggie Catiis na bago ang anim na buwan na mabigat na training.

Kinakailangan munang sumailalim ng 20 araw na Patrol Officer Basic Course at 45 araw na Investigation Officer course ang 66 na mga miyembro ng PNPA Maragtas Class of 2018.

Tiwala naman si Albayalde na matatapos ng mga bagong graduate  ng PNPA ang napakahirap na training sa PNP.

Kabuuang 76 na mga bagong pulis sana ang magsasanay sa mala-SAF training ngunit sampu sa mga ito ay papasok sa scout ranger ng Philippine Army.  R. SARMIENTO

 

 

Comments are closed.