660 COPS INOOBSERBAHAN KUNG NAHAWAHAN NG COVID -19

Archie Gamboa

CAMP CRAME – KINUMPIRMA mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Archie Francisco Gamboa na ikinokonsidera bilang Patient Under Monitoring (PUM) ang 615 mga pulis at  45 naman ang patient under investigation (PUI) dahil sa coronavirus dis-ease (COVID 19).

Aniya,  kabilang sa PUI ay isang police colonel at isang patrolman na ngayon ay mahigpit na minomonitor ang kondisyon.

Sinabi ni Gamboa, malaki ang posibilidad na mahawa sa COVID 19 ang mga police officer na nakatalaga sa Luzon dahil sa patuloy na pag-tupad sa kanilang tungkulin kaugnay sa idineklarang  Enhanced Community Quarantine para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Kaya naman, mahigpit ang bilin ni Gamboa sa lahat ng mga na nakadeploy sa mga checkpoint at mga border ng Luzon na magsuot ng Per-sonal Protective Equipment (PPE) kontra COVID 19.

Kaugnay nito, nagpapatupad na ngayon ang PNP ng Biosafety plan sa lahat ng mga Kampo ng PNP sa buong bansa para maiwasan ang pagkahawa-hawa ng virus sa mga pulis.

Isasailalim muna sa  decontamination procedure  ang mga pulis na galing sa mga checkpoint at border at babalik ng kampo para makasig-urong walang hawaang mangyayari.

Gayundin, tiniyak ni Gamboa na ginagawa niya ang lahat para maibigay sa mga pulis ang  pangangailangan habang tinutupad ang kanilang tungkulin.

Kaya’t, panawagan ni Gamboa sa publiko na ipagdasal ang mga frontliner katulad ng mga pulis at malalampasan ng mga Pilipino ang krisis na kinakaharap. REA SARMIENTO

Comments are closed.