UMAABOT sa 663 indibiduwal ang iniimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) habang 397 mula sa nasabing bilang ay mga opisyal ng barangay na inihabla sa Department of Justice (DOJ) dahil sa anomalyang may kaugnayan sa pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Duterte administration.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang naghain ng reklamong graft base na direktiba ng kanilang kagawaran.
Sinasabing majority ng mga nasampahan ng reklamo ay pawang mga kapitan at kagawad.
Reklamong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices, RA 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, at RA 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases ang isinampa laban sa mga barangay official.
Kabilang sa mga inirereklamo ay barangay secretaries, health workers, treasurers, SK chairman at iba pa.
Posible pa umanong lumobo ang bilang ng mga barangay official na mahaharap sa kasong graft and corruption dahil kasalukuyang nagsasagawa pa ng case build-up ang CIDG laban sa may 67 iba pang mga opisyal sa mga susunod na araw. VERLIN RUIZ
Comments are closed.