INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng karagdagang 6,664 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang 4:00 ng hapon nitong Lunes, Hulyo 26, 2021.
Batay sa case bulletin no. 499 na inisyu ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon sa 1,555,396 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
Gayunman, sa naturang bilang, 3.5% lamang o 55,140 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang ang 93.6% ang mild cases, 2.3% ang severe, 1.61% ang moderate, 1.4% ang kritikal, at 1.1% ang asymptomatic.
Mayroon namang 5,766 naitalang bagong gumaling sa sakit ang DOH sanhi upang umabot na ngayon sa 1,473,009 ang total COVID-19 recoveries sa Pilipinas o 94.7% ng total cases.
Samantala, nakapagtala pa ang DOH ng 23 pasyente na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyon ng COVID-19.
Sa ngayon, nasa 27,247 na ang COVID-19 death toll sa bansa, o 1.75% ng total cases. Ana Rosario Hernandez
455130 915894I got what you mean ,bookmarked , very good internet web site . 745331
160460 884312Wow! This could be one certain with the most useful blogs Weve ever arrive across on this topic. Basically Superb. Im also an expert in this topic therefore I can realize your effort. 284920