667 LUMABAG SA HEALTH PROTOCOLS ARESTADO

SA nakaraang dalawang araw na patuloy sa pagsasagawa ng operasyon,umabot sa 667 katao ang naaresto ang Pasay City police na lumabag sa health protocols sa lungsod.

Ayon kay Pasay City police chief Col. Cesar Paday-os, ang 317 indibidwal ay dinakip mula alas-12 hatinggabi ng Setyembre 28 hangang alas-12 ng tanghali ng Setyembre 29 dahil sa paglabag sa iba’t-ibang health protocols.

Ang natitira namang 154 indibidwal na inaresto ay lumabag sa hindi pagsuot ng face mask, 123 ang mga lumabag sa curfew hours habang 40 naman ang mga hindi sumunod sa physical distancing.

Sinabi ni Paday-os na ang mga hinuling indibidwal ay inisyuhan ng mga citation tickets sa kanilang paglabag ng health protocols.

Sinabi pa ni Paday-os, sa pagitan ng alas-12 ng hatinggabi ng Setyembre 27 hanggang alas-12 ng tanghali ng Setyembre 28 ay umabot din sa 350 indibidwal ang nahuli ng mga nagpapatrulyang pulis sa buong lungsod.

Sa 350 indibidwal ay 187 ang sinita dahil walang suot na face masks, 117 dahil sa pagsuway sa curfew hours at 41 sa hindi pagsunod sa physical distancing habang ang limang indibidwal na sinitang walang suot na face shield ay hinuli sa loob ng mall at public utility vehicles (PUVs).

Ipinaliwanag pa ni Paday-os na ang pagsusuot ng face shield sa tatlong Cs (closed or indoor places, crowded areas at close contacts) ay mahigpit pa rin na ipinatutupad. MARIVIC FERNANDEZ

108 thoughts on “667 LUMABAG SA HEALTH PROTOCOLS ARESTADO”

  1. 574059 396430Aw, it was an extremely very good post. In thought I would like to set up writing comparable to this moreover – taking time and actual effort to create a very great article but exactly what do I say I procrastinate alot and also no indicates manage to go done. 661083

  2. 516253 782618Naturally I like your web-site, nonetheless you want to check the spelling on several of your posts. A lot of of them are rife with spelling difficulties and I discover it quite silly to inform you. On the other hand I will definitely come once more again! 781518

  3. 221042 312417Hi. Cool post. Theres an problem together with your website in chrome, and you may want to test this The browser is the marketplace chief and a very good element of individuals will omit your excellent writing because of this problem. 638830

Comments are closed.