66TH ANNUAL NATIONAL MINE SAFETY AND ENVIRONMENT CONFERENCE AARANGKADA NA

66th annual national mine safety and environment conference

BAGUIO CITY – PORMAL na magsisimula ngayon ang apat na araw na 66th Annual National Mine Safety and Environment Conference na gaganapin sa Camp John Hay Trade and Cultural Center sa lungsod na ito.

Sa ilalim ng tema na ‘Culture, Care, Change’, inaasahan ang pagdalo ng libo-libong kinatawan mula sa local mining industry, gayundin ng iba pang stakeholders at allied industries ng sektor ng pagmimina sa bansa.

Pangunahing inorganisa ng Philippine Mine Safety and Environment Association (PMSEA) sa loob ng halos pitong dekada na sa ngayon, ang ANMSEC ay kinikilala bilang ‘forerunner’ sa pagsusulong ng occupational safety and health, environmental management at social responsibility.

“We’ve prepared an array of activities that highlights mining’s best practices and commitment to mine safety and environment of member-companies,” pahayag ni Walter Brown, ang pangulo ng PMSEA

“This year’s gathering will be an opportunity for mining companies and and mining-support industries to affirm their commitment to ensuring mine and environmental safety with the social responsibility to respond to disasters such as the recent Mindanao earthquakes in mind,” dagdag pa ni Brown, na siya ring  president and chief executive officer ng Apex Mining Co., Inc.

Bagama’t tiyak na puno ng kasiyahan ang bawat araw sa lahat ng programa at aktibidad na gagawin sa ilalim ng taunang komperensiya na ito, itutuon pa rin ang atensiyon ng mga participant sa pagganap sa kanilang tungkulin o responsibilidad sa aspeto ng mine safety and environment.

Isa sa pinakatampok sa programa ang paggagawad ng Presidential Mineral Industry Environment Award (PMIEA) bilang pagkilala sa  outstanding levels of dedication, initiative at innovation sa mithiing mapahusay pang lalo ang pamamahala sa  mineral development at utilization.

Ngayong araw, magkakaroon muna ng pagdaraos ng Banal na Misa sa umaga na susundan ng opening ceremony at pagkatapos ay isasagawa ang  Bouganvillea Planting activity, katuwang ang mga opisyal at kasapi ng DIWATA o ang Women in Resource Development, Inc. at pagkatapos ay ilalarga na ang one-day sportsfest para sa mga laro sa  badminton, golf, bowling, at lawn tennis.   ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.