67-ANYOS NABUNDOL NG MOTORSIKLO

MOTORSIKLO

CAGAYAN DE ORO CITY – ISANG 67-anyos na lalaki ang nasugatan  matapos mabundol ng isang motorsiklo kahapon ng umaga sa lungsod na ito.

Sa ulat, papatawid ng kalsada ang nakabisikletang si Nemesio Emburco,  nang mabangga ito ng motorsiklong minamaneho ni Euriquin Abuhan bandang alas-9 ng umaga, ayon sa traffic investigator na si Police Officer 3 Dennis Palangpangan.

Akala ni Abuhan na hindi tatawid si Emburco dahil binusinahan na raw nila ito, ayon kay Palangpangan.

Agad isinugod sa Northern Mindanao Medical Center si Emburco, na nagtamo ng head injury at galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inalalayan naman siya sa ospital ni Abuhan dahil wala pang nagpapakitang kaanak ng biktima.

Nangako naman si Abuhan na sasagutin ang mga gastusin ni Emburco sa ospital.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang motorsiklo ni Abuhan.                     MHILLA IGNACIO