676 PRIVATE SCHOOLS MAGSASARA NGAYONG SCHOOL YEAR

PRIVATE SCHOOL

MAHIGIT sa 600 pribadong eskuwelahan na nag-aalok ng basic education ang tigil muna ang operasyon ngayong school year, ayon sa Department of Education.

Sa isang briefing ay sinabi ni Jesus Mateo, undersecretary for Planning, Human Resource and Organizational Development, and Field Operations, na may 676 eskuwelahan ang nagpahayag na magsasara sila ngayong school year.

Gayunman ay nilinaw niya na ang pagsasara ay maaaring pansamantala lamang.

“Kung maganda-ganda na next year, magbubukas na po sila,” sabi ni Mateo.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na dalawa sa mga dahilan ng pagsasara ng mga eskuwelahan ay mababang enrollment turnout at paglipar ng mga guro sa public schools.

Umaasa si Briones na magbabago ang plano ng nasabing mga private school lalo na’t gumaganda na ang ekonomiya ng bansa.

“I am anticipating that they might also consider their position dahil nag-improve na ang economy. Ang major  talaga na reason na binigay is ‘yung migration ng students and teachers,” aniya.

“So kung mayroong solusyon at saka mag-improve ang economy baka magbago rin sila ng kanilang pananaw,” dagdag pa niya.

Nauna nang iniulat ng DepEd na may 250,000 estudyante mula sa private schools ang lumipat sa public schools.

Comments are closed.