Umaabot na ngayon sa kabuuang 67,673 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Department of Health (DOH), nakapagtala pa sila ng dagdag na 654 na COVID-19 recoveries hanggang alas-4:00 nitong Linggo, Agosto 9.
Umakyat na rin sa 129,913 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala pa ng panibagong 3,109 ng bagong virus infection.
Karamihan sa mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR), na umabot sa 1,700 new cases.
Sinundan naman ito ng Laguna na may 169 new cases, Cebu na may 114 new cases, Rizal na may 98 new cases at Cavite na may 92 new cases.
Samantala, may 61 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa 61 na nasawi, 17 ay namatay ngayong Agosto, 34 noong Hulyo, anim noong Hunyo, at apat noong Mayo.
Sa ngayon, umakyat na sa 2,270 ang COVID-19 death toll sa bansa.
Comments are closed.