INIULAT ng Philippine Genome Center (PGC) na may karagdagan pang 678 bagong kaso ng COVID-19 variants sa bansa ang natukoy nila mula sa 744 samples na isinailalim nila sa ‘sequencing’.
Batay sa ‘whole-genome sequencing report’ ng PGC na isinumite sa Department of Health (DOH), natukoy ang 289 na kaso ng B.1.1.7 variant (UK variant), 380 kaso ng B.1.351 variant (South African) at siyam na kaso ng P.3 variant.
Nabatid na mula sa bagong UK variants, 48 kaso ay ‘returning overseas Filipinos (ROFs), 185 ay mga lokal na kaso at 56 pa ang biniberepika. Tatlong kaso naman dito ang aktibo pa, dalawa ang nasawi at 284 ang nakarekober na.
Samantala, sa natuklasang South African variants, 107 ay mga ROFs, 196 ay local cases, at 77 ang biniberepika pa. Isang kaso na lamang sa mga ito ang aktibo pa habang nakarekober na ang 379 pa.
Nabatid na pawang nakarekober naman na ang siyam na bagong P.3 variant, na kinabibilangan ng tatlong ROFs, apat na local cases at dalawa na bineberepika pa.
Kaugnay nito, sinabi naman ng DOH na ang P.3 variant na unang natuklasan sa Pilipinas ay hindi pa isinasama sa variant of concern (VOC) dahil sa kulang pa ang mga datos kung ito ay may malaking epekto sa pampublikong kalusugan.
Nilinaw rin ng ahensya na ang B.1.351 o South African variant ay hindi pa ang ‘dominant variant’ sa Flipinas.
Paliwanag ng DOH, ito lamang ang may pinakamaraming kaso sa bansa sa mga variants ng COVID-19 na natukoy na ng mga eksperto. Ana Rosario Hernandez
Thanks for your submission. I would also like to opinion that the very first thing you will need to conduct is to see if you really need credit improvement. To do that you need to get your hands on a replica of your credit profile. That should really not be difficult, because the government necessitates that you are allowed to receive one absolutely free copy of the credit report each year. You just have to request the right individuals. You can either check out the website for that Federal Trade Commission and also contact one of the major credit agencies specifically.
Aw, this was a really nice post. In thought I wish to put in writing like this additionally ? taking time and precise effort to make an excellent article? however what can I say? I procrastinate alot and on no account appear to get one thing done.