MAY 68 indibidwal sa bansa ang dinapuan pa rin ng COVID-19 kahit sila ay fully vaccinated na o nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna.
Ito ang kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo sa isang Laging Handa public briefing.
Ayon kay Domingo, batay sa ulat ng Adverse Effect Unit ng bakuna, sa naturang bilang ay 60 indibidwal ang nabakunahan ng Sinovac, anim ang nabakunahan ng AstraZeneca, at tig-isa naman ang nabakunahan ng Sputnik V at Pfizer vaccines.
Aniya, sa 60 katao na nabakunahan ng Sinovac, nasa 27 ang dinapuan ng COVID-19 wala pang 14-araw matapos nilang makuha ang ikalawang dose ng Sinovac habang ang 33 iba pa ay nagkasakit naman matapos ang dalawang linggo nang matanggap nila ang bakuna.
Paglilinaw naman ni Domingo, ang lahat ng ito ay pawang mild cases lamang.
“These are all mild cases and the infection was drastically reduced [compared with those who got COVID-19 after getting first dose],” ayon kay Domingo, sa Laging Handa public forum.
Samantala, nasa limang katao na nakakumpleto ng dalawang dose ng AstraZeneca ang na-infect pa rin ng COVID-19, wala pang dalawang linggo matapos na makumpleto ang kanilang bakuna habang isa naman ang nagkasakit pa rin, may 14-araw matapos matanggap ang second dose ng AstraZeneca.
May tig-isa rin namang indibidwal ang nagkasakit pa rin ng COVID-19, wala pang dalawang linggo matapos na makatanggap ng dalawang dose ng Sputnik V at Pfizer vaccine.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Domingo na bagamat mas maraming dinapuan ng impeksiyon kahit nabakunahan ng Sinovac ay hindi ito nangangahulugan na ‘inferior’ ang naturang bakuna mula sa ibang brands.
Aniya pa, hindi maaaring ikumpara ang mga bakuna dahil mas maraming Sinovac na naipamahagi sa bansa kumpara sa ibang brand.
“It cannot be compared since the bulk of the supply that were first delivered were Sinovac,” aniya pa.
Matatandaang una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang isang indibidwal ay ikinokonsiderang fully vaccinated na at makakakuha ng full protection ng bakuna matapos ang dalawang linggo mula nang matanggap nila ang ikalawang dose ng gamot.
Paglilinaw naman ng DOH, kahit fully vaccinated na ay kinakailangan pa rin ng mga ito na magsuot ng face mask, face shield at mag-obserba ng social distancing habang hindi pa nakakamit ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19. Ana Rosario Hernandez
290005 213110Woh I enjoy your articles , saved to favorites ! . 371253
230679 527738I just put the link of your weblog on my Facebook Wall. extremely good weblog indeed.,-, 291652
224016 545485I undoubtedly enjoyed the method that you explore your experience and perception of the area of interest 786891
62030 859263I totally agree with you about this matter. Good post. Already bookmarked for future reference. 592223