6,820 TOTAL RECOVERIES SA COVID-19

covid recovery

NADAGDAGAN  ng 268 ang mga pasyente na nakarekober na mula sa coronavirus disease  (COVID-19) kaya umabot na sa 6,820 ang total recoveries sa Filipinas.

Umakyat  naman  sa 27,238 ang bilang ng mga taong nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa case bulletin no. 95 na inilabas ng Department of Health (DOH), nabatid na hanggang nitong alas-4:00 ng hapon ng  Hunyo 17 ay nakapagtala pa sila ng 457 bagong kaso.

Sa naturang bilang, 342 ang “fresh cases” habang 115 naman ang “late case”.

Sa fresh cases, 144 ang mula sa National Capital Region; 101 mula sa Region 7 at 97 sa iba pang rehiyon.

Samantala, sa late cases naman, 29 ang mula sa NCR; 59 ang mula sa Region 7 at 27 naman sa iba pang bahagi ng bansa.

May lima naman ang nadagdag sa listahan ng nasawi kaya umabot na sa 1,108 ang COVID death toll ng Filipinas. ANA ROSARIO HERNANDEZ

2 thoughts on “6,820 TOTAL RECOVERIES SA COVID-19”

  1. 623147 886915Not long noticed concerning your web site and are still already reading along. I assumed ill leave my initial comment. i do not verify what saying except that Ive enjoyed reading. Good weblog. ill be bookmarking maintain visiting this web internet site really typically. 925169

Comments are closed.