6,833 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA

doh

NASA  6,833 ang panibagong napaulat na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (Hunyo 18), pumalo na sa 1,346,276 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 61,776 o 4.6 porsiyento ang aktibong kaso.

92.2 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.7 porsiyento ang asymptomatic; 1.22 porsyento ang moderate; 1.7 porsiyento ang severe habang 1.2 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 110 naman ang napaulat na nasawi kaya  umakyat na sa 23,385 o 1.74 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 3,441 naman ang gumaling pa sa COVID-19 na nagbunsod  na sa 1,261,115 o 93.7 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.

178 MILYON  MAY COVID-19 SA MUNDO

Pumalo na sa 178.20 milyon ang  kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 178,207,613 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos sa 34,377,592 cases.

Sumunod ang India na may 29,762,793 na nagpositibo.

Nasa 17,704,041  ang kaso sa Brazil habang 5,749,691 sa France, na sinjndan ng Turkey – 5,354,153: Russia – 5,264,047; United Kingdom – 4,600,623; Italy – 4,249,755; Argentina – 4,222,400;  Colombia –  3,859,824; Spain – 3,753,228;  Germany – 3,727,624;  Iran – 3,070,426.

Umakyat na sa kabuuang 3,858,073 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 162,716,220 naman ang total recoveries ng COVID-19  sa buong mundo.

7 thoughts on “6,833 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA”

  1. 399218 779206Hello there, I discovered your blog by way of Google at the same time as searching for a comparable subject, your internet site got here up, it seems to be fantastic. Ive bookmarked it in my google bookmarks. 66982

  2. 377522 600851I was suggested this web internet site by my cousin. Im not sure whether this post is written by him as nobody else know such detailed about my issue. Youre incredible! Thanks! 639714

Comments are closed.