69 KATAO NA WALANG FACE MASK DINAMPOT

walang facemask

NASAMPOLAN at hinuli ng mga tauhan ng Manila Police District ang 69 katao sa area ng Divisoria, Maynila dahil sa samut saring paglabag higit lalo na sa ordinansa kaugnay sa pagsusuot ng face mask.

Magugunitang, nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na huhulihin at pagmultahin ang mga pasaway na hindi nagsusuot ng face mask o lumalabag sa panuntunan kaugnay sa social distancing.

Ayon kay MPD-Station 2 Dagupan Outpost Supervisor PSMS Gerardo Tubera, simula Nobyembre 19 hanggang kahapon ay nasa 69 mga vendor at tricycle drivers ang hinuli ng kanyang mga tauhan dahil sa paglabag sa Ordinance No. 8627 (Mandatory Use of Facemask in Public places).

Dagdag pa nito, dinadala umano ang mga nahuhuling hindi nakasuot o hindi maayos ang pagkakasuot ng facemask sa kanilang Police Community Precinct (PCP), kukuhanan ng detalye at pipiktyuran para sa “case filing” bago pauwiin at hihintayin na lamang ang “subpoena” para kinakaharap na multa.

Pagmumultahin ng P1,000 sa first offense, P2,000 sa second offense, at P5,000 o isang buwang pagkakakulong ang kakaharapin ng sinumang lalabag sa nasabing ordinansa.

Ayon pa kay Tubera, araw-araw silang nagsasagawa ng Oplan Bandillo (Anti-Criminality Campaign) at pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa patungkol sa health protocols tulad ng tamang pagsusuot ng face mask gayundin ang pagpapanatili ng physical distancing partikular na ngayong nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang lungsod. PAUL ROLDAN

3 thoughts on “69 KATAO NA WALANG FACE MASK DINAMPOT”

  1. 938291 416305I recognize there is a great deal of spam on this site. Do you need to have aid cleaning them up? I may help in between courses! 64571

Leave a Reply

Your email address will not be published.