69 LAWYERS, 8 DOCTORS PASOK SA PNP OFFICER CORPS

NANUMPA na sa Philippine National Police (PNP) ang karagdagang 157 technical professionals para sa PNP Officer Corps sa ilalim ng PNP Lateral Entry Program Calendar Year 2022 sa Camp Crame, Quezon City.

Kinabibilangan ang mga ito ng 69 lawyers, 8 medical doctors at isang pastor na may ranggong Police Captain at basic monthly salary na P56,582.00; habang ang iba pang itinalaga ay 29 Nurses, two Nutritionist/Dietician, isang Optometrist, 34 IT Officers, three Engineers, 6 Chemists at tatlong Registered Criminologists na kay ranggong Police Lieutenant na may basic monthly salary na P49,528.00 at iba pang allowances and other cash and non-cash benefits.

Ang mga ito ay itinurnover na sa Directorate for Human Resource and Doctrine Development para isailalim sa Officers’ Basic Course and Field Training Program bago mag-duty.

Sinabi naman ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na mahalaga ang technical professionals sa organisasyon upang mapabuti ang technical capabilities sa paglilingkod aa bansa at matutukan ang mandato na labanan ang kriminalidad lalo na ang ilegal na droga, terrorism, natural at man-made disasters, gayundin ang Covid-19, at iba pa.

Ang Lateral Entry Program para sa technical service officers ay ang pinagkukunan ng Police Commissioned Officers ng PNP bukod pa sa cadetship program ng PNP Academy. EUNICE CELARIO