690 PAMILYANG APEKTADO NG ARMED CONFLICT TUMANGGAP NG TULONG SA DSWD

CAGAYAN- TINATAYANG aabot sa 690 pamilya o nasa 2,765 na indibidwal mula sa bayan ng Peñablanca ang pansamantalang lumikas sa kani-kanilang tahanan dahil sa sigalot laban sa bandido sa lalawigang ito.

Agad na nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare (DSWD) field office -2 ( Cagayan Valley) sa bawat pamilya ng Family Food Packs (FFP).

Aabot sa halagang P488,581.60 ang halaga ng mga ipinamahagi ng DSWD sa mga residente ng Barangay Lapi at Minanga bilang tulong sa bawat pamilya sa lugar.

Naganap ang engkwentro nitong May 10 sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng NPA sa ilallim ng komiteng Rehiyon Cagayan Valley. P ANTOLIN