6,913 BAGONG KASO NG COVID-19

UMAABOT  na lamang sa 6,913 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa araw ng Linggo, Oktubre 17, 2021.

Batay sa case bulletin #582 ng DOH, nabatid na dahil sa naturang mga bagong kaso, umaabot na ngayon sa 2,720,368 ang total COVID-19 cases sa bansa.

Sa naturang kabuuang bilang, 3.0% na lamang o 81,641 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang dito ang 82.0% ang mild cases, 7.13% ang moderate, 5.5% ang asymptomatic, 3.8% ang severe at 1.6% ang kritikal.

Nakapagtala rin ang DOH ng karagdagang 10,237 na gumaling sa karamdaman.

Sa kabuuan, umaabot na sa 2,598,052 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa.

Mayroon namang 95 pang pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19.

Sanhi nito, umakyat na sa 40,675 ang COVID-19 death toll ng Pilipinas o 1.50% ng total cases.
Samantala, mayroon pa ring 54 duplicates ang inalis ng DOH sa total case count, kabilang dito ang 35 recoveries.

Mayroon din 31 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ang malaunan ay nireklasipika matapos na matuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon.

“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 15, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.5% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” anang DOH.
Ana Rosario Hernandez

10 thoughts on “6,913 BAGONG KASO NG COVID-19”

  1. 27408 448198Hi there! Someone in my Myspace group shared this internet site with us so I came to give it a appear. Im definitely loving the info. Im bookmarking and is going to be tweeting this to my followers! Outstanding weblog and amazing style and design. 374388

Comments are closed.