NASA 6,959 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa araw ng Sabado.
Base sa pinakahuling talaan ng Department of Health, nasa 59, 439 ang bilang ng active cases.
Sa kabuuan, nasa 1.353 milyong kaso ng COVID-19 mayroon ang Filipinas.
Nabatid na sa 59, 439 na active cases, 95.7 percent ang mild at asymptomatic.
Umabot naman sa 23,538 ang kabuuang bilang ng mga nasawi habang 1.270 milyon ang nakarekober matapos maitala ang bagong gumaling sa COVID na 9,407.
Comments are closed.