TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nasa 69,000 mga pampublikong transportasyon ang magagamit ng publiko.
Ito ay sa kabila ng pagpabor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik ng one meter physical distancing ng mga pasahero sa loob ng mga pampublikong sasakyan bilang bahagi pa rin ng pag-iingat sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang pahayag, sinabi ng LTFRB na ipagpapatuloy nila ang pagdaragdag ng mga ruta ng biyahe ng mga public utility vehicles upang maserbisyuhan ang publiko sa gitna ng pandemya.
Matatandaang una nang inihirt ng Dept. of Transportation (DOTr) na ibaba sa 0.75 meter ang distansya ng mga pasahero sa isa’t-isa upang mas madagdagan pa ang bilang ng mga pasahero na makasakay. DWIZ882
Comments are closed.