TUMATANGGAP na ng entries o mga lahok ang 69th Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, ang longest-running at most prestigious literary contest sa bansa.
Ang kategoryang puwedeng salihan ay ang mga sumusunod:
- Novel and Nobela categories
- English Division – Short Story, Short Story for Children, Essay, Poetry, Poetry Written for Children, One-act Play, and Full-length Play;
- Filipino Division – Maikling Kuwento, Maikling Kuwentong Pambata, Sanaysay, Tula, Tulang Para sa mga Bata, Dulang May Isang Yugto, Dulang Ganap ang Haba, and Dulang Pampelikula;
- Regional Languages Division – Short Story-Cebuano, Short Story-Hiligaynon, and Short Story-Ilokano.
Ang Kabataan Division para sa young writers below 18 years of age ay bukas sa dalawang kategorya: ang English at Filipino. kailangang ang submission ay informal (personal) essays na sumasagot sa katanungang “At a time when spreading of misinfor-mation is getting common, what can you do to help people, especially the youth, search for the truth?” (Kabataan Essay) and “Sa panahon na laganap ang pagkalat ng maling impormasyon, paano mo matutulungan ang mga tao, lalo na ang kabataan, na hanapin ang katotohanan?” (Kabataan Sanaysay).
Bukas ang patimpalak sa lahat ng Filipino citizens o former Filipino citizens sa lahat ng edad maliban sa current directors, offic-ers, at empleyado ng Carlos Palanca Foundation, Inc.
Isang entry lamang sa bawat kategorya ang maaaring isali o ipasa.
ANG DEADLINE NG PAGPAPASA NG LAHOK AY SA MAYO 31, 2019.
Ang mga nailathalang piyesa na nalimbag sa petsang 1 June to 31 May 2019 at mga hindi pa nalilimbag na piyesa ay maaaring ilaban sa nasabing patimpalak.
Sa Novel at Nobela categories, ang mga nailathalang akda na nalathala within a period of two (2) years prior to 31 May 2019, at hindi pa nalalathalang akda ay maaaring isali sa patimpalak.
Sa Dulang Pampelikula category, only unproduced works ang maaaring isali.
Ang mga nanalong akda sa ibang contest bago ang 12:00 m.n ng Mayo 31, 2019 ay hindi qualified sa nasabing awards.
Kailangang naka-print ang lahat ng lahok. Hindi tatanggap ang Carlos Palanca Foundation ng submission sa email o online sa lahat ng kategorya.
Itinayo noong 1950, ang Carlos Palanca Awards for Literature bilang pagpupugay sa legasiya ng businessman at philanthropist Don Carlos Palanca Sr. Layon nitong ma-develop at ma-nurture ang Philippine literature sa pamamagitan ng pagbibigay ng incen-tives sa mga manunulat to craft their most outstanding literary work and to be a treasury of the Philippines’ literary gems and assist in its eventual dissemination.
Para sa official contest rules at forms, bisitahin ang Palanca Foundation office na matatagpuan sa Ground Floor, Greenbelt Excelsi-or Bldg., 105 C. Palanca Street, Legaspi Village, Makati City. Maaari ring mag-email at tumawag sa CPMA office through email at [email protected] o (632) 843-8277 para sa iba pang katanungan ay hanapin si Leslie B. Layoso o Susan Castillo.
Comments are closed.