6K HECTARES FARMLAND IPAMAMAHAGI NG DAR

DAR

NEGROS OCCIDENTAL  – AABOT sa 6,000 hectares ng farmland ang planong ipamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga benepisyaryo sa hilagang bahagi ng nasabing lalawigan ngayong taon.

Ang ipamamaha­ging lupain ay sakop ng DAR-Negros Occidental I  na mula sa Bacolod City hanggang San Carlos City na nasa ilalim ni Provincial Agrarian Reform Program Officer II Teresita Mabunay.

Noong Biyernes, nasa 15 porsiyento ng 895 hectares ng 6,000 hectares ang naipamahagi.

Sinabi ni Mabunay na ang natitirang lupain ay naisyuhan nang notices of coverage (NOCs) para ipamahagi sa mga magsasaka.

Ang 6,000 hectares na bahagi ng 54,000 hectares  ay ang natitira sa landholdings para sa DAR-Negros Occidental I.

Ang Negros Occidental, ang may pinakamalaking land reform area sa bansa kung saan aabot sa 187,677 hectares ng lupain ang naipamahagi na sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na nagsimula 30 taon na ang nakalilipas.

Sa nasabing lawak ng lupain, aabot na sa 72,000 hectares ang naipamahagi ng DAR Negros Occidental-North noong Mayo 31.

Sa kabuuang nasa 52,000 beneficiaries ang holder ng  certificates of land ownership award (CLOAs) sa hilagang ba­hagi ng Negros Occidental.

Samantala sa DAR Negros Occidental II, na sakop ang Bago City at  Hinoba-an ay nakapagbigay na ng kabuuang 115,677 hectares sa 73,635 beneficiaries. EUNICE C.

Comments are closed.