6K KADA ARAW TARGET SA COVID-19 VACCINES

AABOT sa 6,032 residente ng Pasay City ang target na maturukan ng bakuna kontra COVID-19 kada araw kapag nagsimula na ang mass vaccination sa lungsod.

Ito ang inihayag ni Mayor Emi Calixto-Rubiano kaugnay ng Pasay City COVID – 19 Vaccine Operations Manual na tinaguriang “Vacc to the Future: EMI (Enduring, Meaningful and Invigorating) Future,” na iprinisinta sa dumalaw na Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team nitong Huwebes sa Pasay City Hall na pinangunahan ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na nagsisilbing Pasay Big Brother sa pandemic response.

Alinsunod sa plano ng Pasay LGU, ang 1st Priority ng lungsod sa vaccination program ay ang mga frontline health workers na umaabot sa 4,546 kasunod ang 42,981 na senior citizens na 2nd & 3rd priority.

Aabot naman sa 81,990 eligible indigent population ang ikinokonsiderang nasa 4th priority habang 672 uniformed personnel ng PNP, BJMP, BFP na nakadestino sa lungsod at ang panglimang prayoridad kung saan aabot sa 130,189 indibidwal ang napapabilang sa Category A.

Sa loob ng limang araw kada linggo na gagawing pagbabakuna ay umaabot sa 30,160 ang weekly target ng Pasay LGU sa mass vaccination.

Naghanda ang LGU ng 17 Vaccination Sites na binubuo ng 11 Schools, 2 Barangay Covered Court at 4 Hospitals, kung saan ang target ay 464 katao ang babakunahan ng bawat site kada araw. Ang naturang 11 schools ay ang mga sumusunod:

District I: Gotamco Elementary School; Andres Bonifacio Elementary School; P. Burgos Elementary School; Pasay City West High school; Padre Zamora Elementary School; at Juan Sumulong Elementary School.

District II: T. Paez Elementary School; Brgy 190 Covered Court; President Aquino Elementary School; Apelo Cruz Elementary School; Villamor Airbase Elementary School; Brgy 194 Covered Court; at Kalayaan Elementary School.

Para sa kabuuan ng vaccination drive ay magmomobilisa ang Pasay LGU ng 17 doktor na mangunguna sa 297 na vaccination workforce at 296 support personnel gayundin ng mga kinakailangang emergency vehicles at iba pang sasakyan, pati mga kaukulang equipment. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.