6K MACHINE OPERATORS WANTED

MACHINE OPERATOR

MAYNILA – MARAMING oportunidad ang naghihintay para sa mga production machine operator, ayon sa PhilJobNet, ang internet-based job at applicant matching system ng Department of Labor and Employment (DOLE) makaraang makapagtala ng 6,000 bakante para dito nitong nakaraang linggo.

Pumangalawa naman ang mga bakante para sa call center agent na nagtala ng 3,061, ayon sa ulat mula sa Bureau of Local Employment (BLE).

Batay sa JobsFit Labor Market Information Report, ang mga bakanteng trabaho para sa production machine operator ang siyang nangunguna sa top 100 occupation na mayroong pinakamataas na bilang ng vacancy sa PhilJobNet mula Marso 2016 hanggang ­Disyembre 2017.

Ang machine operator ay siyang responsable sa pag-set up, operate, monitor, troubleshoot at pagsasagawa ng preventive maintenance sa mga itinalagang makina. Ito rin ang isa sa nangunguna sa top 10 available skill sa bawat lugar sa buong bansa batay sa PESO Employment Information System.

Bahagi ang mga production machine operators sa industriya ng manufacturing na isa sa na­ngungunang key employment ge­nerating sector sa bansa.

Maaari nang magparehistro ang isang job seeker sa PhilJobNet kung siya ay 15 taong gulang.     PAUL ROLDAN

 

Comments are closed.