MAY 20 couple-employees ng SM Group ang nagpalitan ng marital vows sa Catholic rites ceremonies sa Archdiocesan Shrine of Jesus, the Way, the Truth and the Life kay Rev. Fr. Reynaldo Reyes, SSP bilang officiating priest. Anim na iba pang pari ang lumahok sa pagdiriwang at nag-officiate sa bawat pareha.
Tumayong main sponsors sina Linda Atayde, Executive Director ng SM Foundation at Rollie Macatangay ng religious Committee ng SM sa ilalim ng Felicidad Sy Foundation.
Sa panayam kay Maricar Sano, nagtatrabaho sa Shoe Department ng Megamalls at Joey Concepcion, isa sa mga bagong kasal, nagkaroon sila ng pagkakataon na mabasbasan ang kanilang pagsasama. Inalok umano sila ng SM ng wedding attires, subalit mas pinili ng mga ito na magpatahi na lamang. Ang dalawa na mayroon ng walong taong gulang na anak na naging ring bearer.
Isa pang pareha na sina Lorna Padilla, na nasa ladies department ng SM Quiapo at Sheldon Balatero, stockman ng kids dept ng SM Sta Mesa ay nag-isang dibdib sa civil wedding na pinangunahan ng Mayor noong 2018. Nang mag-anunsiyo ang SM ng mass wedding, ay agad nila itong sinunggaban at hinimok din ang kanilang mga kaibigan na makilahok sa mass wedding.
Naging masaya ang okasyon na pinatingkad ng isang music band at nagpakuha ng larawan ang mga ito ng larawan kasama si Nanang, kanilang sponsors at mga kaibigan.
Comments are closed.