6TH QCINEMA FILMFEST HAHATAW NA 

QCINEMA

KAABANG-ABANG ang mga de kalibreng Pinoy films na pasok sa Circle Competition ng 2018 Quezonthe point City International Film Festival na gaganapin sa Gateway Mall (Cineplex 10); Robinsons Galleria (Robinsons Movieworld); SM City North Edsa; SM Megamall; SM Manila; SM Mall of Asia; at Ayala Malls Cinema sa Trinoma at U.P. Town Center mula Oktubre 21 hanggang 30.

Ang mga pelikulang ito ay pinondohan ng P1.5 milyon kada isa ng QCi­nema. Ito ay ang “Billie and Emma” ni Samantha Lee (Baka Bukas), ang “Dog Days” ni Timmy Harn (Ang Pagbabalat ng Ahas), “Hintayan ng Langit ni Dan Villegas (Changing Partners, Exes Baggage), “Masla A Papanok ni Gutierrez Mangansakan (Qi­yamah, Cartas de la Soledad) at Dwein Baltazar (Mamay Umeng, Gusto Kita With All My Hypothalamus).

Ang Oda sa Wala ay kuwento ni Sonya, isang matandang dalaga na ang hanapbuhay ay ang pageembalsamo ng mga patay na nakadiskubre ng isang misteryosong bangkay na magbabago sa takbo ng kanyang kapalaran.   Tampok dito sina Marietta Subong (Pokwang), Joonee Gamboa, Anthony Falcon at Dido dela Paz.

BEAUTY GONZALEZAng Billie and Emma ay tungkol sa lesbiyanang relasyon nina Billie, isang teenage rock star at Emma, isang modelo na  nakaranas ng unang pag-ibig sa isa’t isa. Nasa cast nito sina Gabby Padilla, Zar Donato, Beauty Gonzales, Cielo Aquino at Ryle Santiago.

Ang  Dog Days: Pinoy Hoop Dreams ay kuwento ng isang half-black, half  Pinoy na basketball fanatic  na nangangarap na maging isang Michael Jordan.  Tampok dito sina Ybes Bagadiong, Bie Ruaro, Charles Salazar at Miguel Reyes.

Ang Hintayan ng Langit  ay kuwento ng  isang babaeng nakulong ang RYLE SANTIAGO kaluluwa sa purgatoryo dahil sa kanyang masamang asal at  sa engkuwentro niya sa kanyang ex na matagal na nawalay sa kanya. Bida rito ang mga veteran stars na sina Gina Pareno at Eddie Garcia. Kasama sa supporting cast sina Karl Medina, Kat Galang, Joel Saracho, Che Ramos, Mel Kimura at Dolly de Leon.

Ang Masla A Papanok ay  pinaghalong kuwento ng kasaysayan at mitolohiya tungkol sa isang prin­sesa na nagkanlong sa kumbento para matakasan ang isang arranged marriage kung saan nakilala niya ang isang prinsipe. Tungkol din ito sa alamat ng isang misteryosong ibon sa Maguindanao noong  1892. Tampok dito ang mga Mindanaoan actor na sina Quennie Lyne Demoral, Krigi Hager at Ameir Arsad Hassan.

Pasok naman sa documentary section ang “All Grown Up” ni Wena Sanchez at “Pag-ukit ng Paniniwala” ni Hiyas Baldemor Bagabaldo.

Ang QCinema ay brainchild ni VM Joy Belmonte at ng festival director nitong si Ed Lejano.

Comments are closed.