6TH STRAIGHT WIN SA RED-HOT KNIGHTS

Standings W L
Benilde 8 2
Letran 9 3
LPU 8 3
JRU 5 2
San Beda 6 4
Perpetual 5 6
Arellano 4 6
SSC-R 3 6
Mapua 3 9
EAC 1 11

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Perpetual vs Mapua
3 p.m. – EAC vs San Beda

NALUSUTAN ng defending two-time champion Letran ang isa pang mabagal na simula upang pataubin ang San Sebastian, 69-50, at hilahin ang kanilang winning run sa anim na laro sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Abante ang Stags sa 15-12 matapos ang opening period, nang magpasabog ang Knights, sa likod nina Brent Paraiso, Mark Sangalang at Tommy Olivario, ng 22 points sa second period upang itarak ang 34-28 kalamangan sa break.

Angat ng siyam na puntos matapos ang tatlong quarters, umiskor si Fran Yu ng limang sunod na puntos sa unang dalawang minuto ng payoff period para itala ng Letran ang 54-40 advantage.

Tinuldukan ni Yu ang mainit na fourth quarter sa isang three-pointer sa 2:56 mark na nagsindi sa 7-0 run ng Letran upang makalayo sa 66-48.

Tumapos si Yu na may 19 points, 5 rebounds at 2 steals habang nag-ambag si Paraiso ng 13 points, 4 boards at 3 assists para sa Knights.

Ang Letran ang unang koponan na nagposte ng siyam na panalo, umangat sa virtual tie sa College of Saint Benilde (8-2) para sa liderato.

Samantala, nanatili ang Stags sa lower half ng standings sa kanilang ika-9 na talo sa 12 laro.

Walang San Sebastian player na umiskor ng twin digits, kung saan nagtala sina Ken Villapando at rookie Rhinwill Yambing ng tig-8 points.

Iskor:
Letran (69) — Yu 19, Paraiso 13, Sangalang 8, Reyson 8, Javillonar 7, Caralipio 6, Olivario 5, Guarino 2, Bojorcelo 1, Go 0, Santos 0, Tolentino 0, Monje 0, Miclat 0, Ariar 0.
SSC-R (50) — Villapando 8, Yambing 8, Are 6, Altamirano 6, Shanoda 5, Sumoda 4, Escobido 4, Aguilar 4, Una 2, Felebrico 2, Cosari 1, Suico 0, Paglinawan 0, Desoyo 0.
QS: 12-15, 34-28, 49-40, 69-50.