7-0 PUNTIRYA NG PIRATES

LPU

Standings      

W            L

LPU                        6              0

SBU                        4              0

CSJL                       3              1

UPHSD                  2              2

AU                          2              2

MU                         2              3

CSB                        2              3

SSC-R                    2              4

EAC                        1              4

JRU                        0              5

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

8 a.m.- MU vs SSCR (jrs)

10 a.m.- CSB vs LPU (jrs)

12 nn.- MU vs SSCR (srs)

2 p.m.- CSB vs LPU (srs)

4 p.m.- Letran vs AU (srs)

6 p.m.- Letran vs AU (jrs)

SISIKAPIN ng Lyceum of the ­Philippines University na mapanati­ling walang dungis ang kanilang kartada sa pagtatangka sa ika-7 pana-lo laban sa College of St. Benilde sa 94th NCAA basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Nakopo ng Pirates ang ika-6 na sunod na panalo nang pataubin ang Perpetual Help Altas noong Biyernes at mapananatili nila ang malinis na marka kapag nalusutan ang Blazers, na nalasap ang ikatlong kabiguan sa limang asignatura, sa kanilang laro sa alas-2 ng hapon.

Ang tagumpay ng LPU ay pinani­niwalaang bunga ng lumakas na depensa ng koponan na nakatutulong sa kinatatakutang running game nito.

Sa anim na laro, ang Pirates ay may average na league-high 91 points kada laro habang ang pumapang-apat sa points allowed sa 76 points sa likod ng 62.5 ng  San Beda, 68 ng Letran at 73.8 ng CSB.

“We’d like the press the energy out of every team we face because we really want to focus on our defense more than outscoring our opponents,” wika ni LPU coach Topex Robinson.

Si CJ Perez ang isa pang dahilan ng pamamayagpag ng LPU kung saan may average siya na 20.5 points, 6.7 rebounds, 4.7 assists at 3.5 steals  kada laro.

Makasasagupa nila ang Blazers na galing sa nakapanlulumong 60-64 pagkatalo sa Letran Knights noong ­Huwebes.

Samantala, sisikapin ng Letran (3-1) na maipagpatuloy ang pagbangon sa pagtatangka sa ikaapat na sunod na panalo laban sa Arellano U (2-2) sa alas-4 ng hapon.

Si Bong Quinto at ang lumakas na frontcourt ang susi sa pagbangon ng Knights upang maging lehitimong title conteders.

Nagpakawala si Quinto ng team-best 17 points sa pinakahuling panalo ng kanyang koponan habang nagtala sina big men Larry Muyang, Chris Fa-jarito at Jeo Ambohot ng pinagsamang 26.5 points, 22.6 rebounds at 2 blocks kada laro.

“We will try to take advantage of our size each game because we know we are blessed in that department,” wika ni Letran mentor Jeff Napa.

Sa isa pang seniors’ game, maghaharap ang Mapua U (2-3) at San Sebastian (2-4) sa alas-12 ng tanghali.

Comments are closed.