PUMALO sa record-high 73 million ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Abril sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, ayon sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
“Unemployment rate rose to 17.7%, equivalent to 7.3 million unemployed Filipinos in the labor force in April 2020,” wika ni National Statistician Claire Dennis Mapa.
Ang 17.7% unemployment rate ay mas mataas kumpara sa 5.3% noong Enero at sa 5.1% noong nakaraang taon, na nangangahulugan ng karagdagang 5 million na katao na walang trabaho.
“This is a record high in the unemployment rate reflecting the effects of the economic shutdown to the Philippine labor market due to COVID-19,” ani Mapa.
Para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 ay nagpatupad ang pamahalaan ng mahigpit na quarantine measures mula Marso 17 hanggang Mayo 31. Dahil sa lockdown ay napilitan ang ilang negosyo na pansamantalang magsara na nakaapekto sa milyon-milyong manggagawa.
Sa datos ng PSA ay lumitaw na 13 million Filipinos ang may trabaho subalit hindi nakapag-report sa trabaho, na katumbas ng 38.4%.
Ang Arts, Entertainment, and Recreation sector ang may pinakamalaking pagbaba sa bilang ng employed workers sa 54% dahil kinailangang huminto sa operasyon ang movie at television productions.
Sumusunod ang mga manggagawa sa electricity, gas, steam at airconditioning supply na may 43.1% na pagbaba, information and communication firms (40.6%) , at accommodation and food service activities na may 35.8% decrease.
Ayon pa sa survey ng PSA, ang mga Pinoy na may trabaho ay bumaba sa 33.8 million, o katumbas ng 82.3% ng merkado. Mas mababa ito kumpara sa 94.7% sa pagsisimula ng taon.
Ang lahat ng rehiyon ay nagtala ng double-digit unemployment rate, kung saan ang pinakamataas ay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM) na may 29.8%.
Sumusunod ang Region III o Central Luzon, at ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may 27.3% at 25.3%, ayon sa pagkakasunod.
Comments are closed.