7.4 M TURISTA TARGET NG DOT

TARGET ng Department of Tourism (DOT) ang 7.4 milyong turista sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Puyat, mas mataas ito ng 12 porsiyento kompara sa naitalang 6.62 mil­yon noong nakaraang taon.

Kumpiyansa si Puyat na maaabot ng DOT ang natu­rang target lalo’t maraming turistang Chinese at Australyano ang bumibisita sa bansa.

Samantala, doble kayod ang kanilang ginagawa para maibsan ang epekto ng pagsasara ng Boracay kung saan ay inaalok nila ang iba pang alternatibong tourist spots.

Comments are closed.