7.6M PAMILYA NAKARANAS NG GUTOM SA NAKALIPAS NA 3 BUWAN – SWS

GUTOM-2

PUMALO sa bagong record-high na 30.7 percent, o tinatayang 7.6 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sinabi ng SWS na base sa survey na isinagawa nito mula Setyembre 17 hanggang 20, nahigitan ng hunger incidence na naitala ngayong buwan ang naunang peak na 23.8 percent noong Marso 2012.

Ayon sa SWS, ang hunger trend ay tumataas magmula noong Mayo ng kasalukuyang taon.

Bago ito ay bumaba ang bilang ng mga pamilyang nagugutom mula 23.8 percent noong Marso 2012 sa 8.8 percent noong Disyembre  2019.

“Hunger incidence in September 2020 was up by 9.8 points, compared to 20.9 percent in July 2020, and by 14 points from 16.7 percent in May 2020, and by a total of 21.9 points from 8.8 percent in December 2019,” ayon sa  SWS.

Paliwanag ng research group, ang 30.7 percent hunger rate noong Setyembre ang kabuuan ng 22 percent, o 5.5 million families na nakaranas ng moderate hunger at 8.7 percent, o 2.2 million families na nakaranas ng severe hunger.

“Moderate Hunger  refers to those who experienced hunger ‘Only Once’  or ‘A Few Times’ in the last three months. Mean-while, Severe Hunger refers to those who experienced it ‘Often’ or ‘Always’  in the last three months,” sabi pa ng SWS.

Ang Moderate Hunger ay tumaas mula   15.8 percent noong Hulyo sa bagong record-high 22 percent noong Setyembre. Na-higitan nito ang naunang record na 18.9 percent noong Disyembre 2009.

Samantala, ang Severe Hunger ay tumaas mula 5.1 percent noong Hulyo sa bagong record-high na 8.7 percent noong Setyembre 2020 kung saan nalagpasan nito ang naunang record na 6 percent noong Marso  2001.

Ayon pa sa SWS, ang hunger incidence ay record-highs sa Visayas, Mindanao, and Metro Manila.

4 thoughts on “7.6M PAMILYA NAKARANAS NG GUTOM SA NAKALIPAS NA 3 BUWAN – SWS”

  1. 153364 157168Im glad I found your post. I would never have created sense of this topic on my own. Ive read a couple of other articles on this topic, but I was confused until I read yours. 721611

  2. 388957 737555Pretty section of content. I just stumbled upon your website and in accession capital to assert that I get in fact enjoyed account your blog posts. Any way Ill be subscribing to your feeds and even I achievement you access consistently quickly. 721260

  3. 382026 988023I like this post a great deal. I will certainly be back. Hope that I is going to be able to read a lot more insightful posts then. Will probably be sharing your understanding with all of my associates! 69252

Leave a Reply

Your email address will not be published.