7-8% GDP GROWTH SA 2018

HINDI magkakaroon ng pagbabago sa full-year economic growth forecast na itinakda sa 7 hanggang 8 percent ngayong taon, ayon kay  Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.

Ang paglago ng ekonomiya ay bumagal sa 6 percent sa second quarter mula sa 6.6 percent sa ­unang tatlong buwan ng 2018.

Sinabi ni Pernia na ang inaasahang muling pagbubukas ng Boracay island, ang pagpasa sa rice tariffication bill at ang mga karagdagang proyekto na sumailalim sa ground breaking ngayong taon ay makatutulong sa pagsigla ng ekonomiya.

“We don’t want to bring it down because it doesn’t speak well of our determination. We just want to show people that we are determined to achieve whatever the goals we had set for ourselves,” wika ni Pernia.

Paliwanag ni Pernia, ang rice tariffication bill, na priority measure ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay makatutugon sa rice inflation na nag-ambag ng 0.9 percent.

“Removing quantitative restrictions on rice will result in more supply so traders ‘can compete among themselves’ and also lead to lower rice prices, Pernia,” dagdag pa ng kalihim.

Samantala, ang muling pagbubukas ng Boracay sa Oktubre ay makaaakit ng maraming turista na magpapalakas sa ekonomiya.

Ang isla ay isinara noong Abril upang isailalim sa rehabilitasyon.

“Tourist arrival will be much higher this year. Tourism is a service export. It will also compensate for our slow goods export,” aniya.