7 ADIK ARESTADO SA BUY BUST

BULACAN- INARESTO ng mga operatiba Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pitong adik kabilang ang isang menor de edad sa isinagawang buy bust operation sa Brgy, Gaya-Gaya sa siyudad ng San Jose del Monte sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Angelito Alfaro, 23-anyos; Roger Lopez , 22-anyos; Henry Jumadiao alyas Potpot, 20-anyos; Jimboy Salidaga, 25-anyos; Jandy Fernandez alyas Trixy, 31-anyos; Raven Aboliso alyas Rain, 18-anyos at isang menor de edad na lalaki na kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00.

Kabilang ang 5 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P750.00, assorted drug paraphernalia at marked money.

Samantala, paglabag sa Republic Act 9165 ang kakaharapin ang mga suspek. THONY ARCENAL