ISABELA-MAKARAANG magpositibo sa COVID-19 ang alkalde ng Ilagan City ay agad na ipinag-utos nito ang pitong araw na lockdown sa lungsod simula kahapon dulot na rin ng mataas na kasong naitala sa buong lalawigan nito sa loob lamang ng isang araw.
Batay sa ulat ng Deparment of Health-region-2 (DOH-02), ang tatlo sa limang naitalang positibo sa COVID-19 sa nasabing siyudad ay kinabibilangan ni Ilagan City Mayor Jose Mari “Jay” Diaz ng Isabela kabilang ang dalawa kapamilya nito.
Nabatid na mayroong 26 kaso pa ang naidagdag sa kabuuang COVID-19 cases ng Isabela, kung saan lima dito ay sa Ilagan; tig-apat sa Tumauini at Cauayan; tig-dalawa sa Angadanan, San Mariano, Echague, Cordon at Cabatuan; tig-isa naman sa Gamu, Jones at Cabagan.
Sa EO54 na ipinalabas ni Diaz, kinailangan ang isang linggong pagsasailalim sa lockdown ng kanilang bayan para sa masinsinang contact tracing dahil sa dami ng taong na-expose sa kanya dulot ng patuloy na pagganap nito sa tungkulin bilang punong lungsod.
Gayunpaman, aminado ito na dahil sa lockdown ay apektado ang serbisyo ng buong city government bukod pa sa mandatory 14-day quarantine at isolation ang ilang nakasalumuhang city officials at empleyado ng alkalde na direktang nagkaroon ng close contact sa mga ito. IRENE GONZALES
Comments are closed.